Financial Freedom Formula
Masarap banggitin.
Masarap sa feelings para sa mga taong andun na sa stage na yun. Wala na silang boss na magsasabi na ganito ang gawin mo.
Dapat ganyan ang gawin mo.
Pumasok ka kahit day-off mo.
Wala kang say ika nga.
Pag alam mong andun ka na sa stage ng Financial Freedom, andun ka na sa point na you can “fire your boss” na.
It means ikaw na ang boss, ikaw na ang magdidikta kung magkano ang dapat mong kitain.
You are not working for money anymore.
Your money is already working for you.
Pero sa mga nagsisimula pa lang and for those who are on their way of becoming financially free, hindi ito madali.
May mga process na dapat pagdaaanan. May mga iba’t ibang stages ng buhay na dapat malampasan..
Ika nga, you have to pay the price.
Kailangan mong magsumikap. Dapat magsakripisyo sa mga bagay na dapat sana ay nai-enjoy mo sa ngayon kapalit ng mga tatamasahin mo sa kinabukasan.
Kailangang i-practice ang delayed gratification.
Ano ba ang kahulugan ng Financial Freedom?
Ang Financial Freedom ay ang kakayahan mong mamuhay ng pamumuhay na gusto mo na hindi na kailangang magtrabaho o umasa sa sinuman para sa pera.
Paano nga ba ito maa-achieve?
Ito ang basic formula ng Financial Freedom:
Financial Freedom= Passive Income > Expenses
( FF= PI > E)
or
Financial Freedom = Passive Income more than your Expenses
Ang first step ay alamin mo muna ang iyong expenses. Kung hindi mo alam ang iyong mga nagagastos sa bawat buwan at taon, imposible mong malaman kung naachieve mo na ang iyong Financial Freedom.
Kaya kritikal dito ang pagmonitor or pagtrack mo ng expenses sa bawat araw.
Next step, alamin mo kung magkano ang Passive Income mo.
Ano ba ang PASSIVE INCOME?
Ang Passive Income ay ang kita na iyong natatanggap on a monthly or regular basis nang hindi ka gaanong nagtrabaho o wala kang masyadong effort o ginagawa.
Ang mga halimbawa nito ay:
- Kita mula sa real estate properties
- Royalties sa mga librong naisulat mo
- Royalties mula sa franchise business model mo
- Dividends sa stocks
- Earnings from internet advertisements
- Kita mula sa Youtube videos ads
- Kita mula sa pagbibenta ng ebook online
- Affiliate marketing
- Bank time deposits interest
- Bonds interest
Once na mas malaki na yung Passive Income mo sa iyong expenses, ibig sabihin lang nun ay Financially Free ka na. But take note, dapat regular at consistent yung passive income na natatanggap mo. Hindi ito yung ngayong buwan ay malaki pagkatapos next month naman ay wala o kaunti lang ang passive income.
I have learned the concept of Financial Freedom when I played Cashflow 101 and 202 boardgames. I recommend na maglaro ka ng Cashflow 101 and 202 boardgame na ginawa ni Robert Kiyosaki para mas maintindihan mo how to get out of the rat race and become financially free. Here you can buy stocks, bonds, mutual funds, real estate properties and businesses. You will also encounter different kinds of expenses which you really are experiencing in real life.
Kung interested ka o gusto mong maexperience maglaro ng Cashflow 101 boardgame, just contact me here. May boardgame ako at pwede nating i-schedule ang game na ito.
For more tips on saving money, money management, investments and business, please subscribe to my blog.