Pay Yourself First

Pay yourself first has been referred to by experts as the Golden Rule of Personal Finance. Kapag ang topic ay personal finance, hindi mawawala ang phrase na ito. At kapag nakausap mo ang mga financial advisors, siguradong isa sa mga advices nila ang phrase na ito.  

Pero ano nga ba ang ibig sabihin nitong three words o ng katagang ito?

Kunsultahin natin si Google Translate para sa translation. Ang sabi ni Google ay ito:

Translate 1

Medyo masagwa ang translation ni Google Translate.

“Magbayad ng Iyong Sarili.” Parang kakaiba ang translation. Medyo barok ang dating.

Marami ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin nito. May mga tinanong ako at ito ang sagot nila.

“I-reward mo muna ang sarili mo.”

Tama ang mga sagot nila. Pero ang karugtong na sentences ang nakakagulat.



Sagot ng isang babae:

“Kasi isang buwan akong nagtrabaho, kaya pagsahod ko, dapat unahin kong bigyan ng reward ang sarili ko. Bibili ako ng Louis Vuitton bag na bagay at ka-terno ng kulay pula kong dress.”

Ang sagot naman nung isang lalaki:

“Sa tuwing sasahod, bumibili ako ng collection kong mga Jordan shoes. May isang dosenang pares na ako. Collector kasi ako at masaya ako pag nakikita ko ang katas ng aking pinaghirapan. Kailangan ko kasi i-pay myself first.”

From their answers, ano ang masasabi mo sa kanila?

If you have read The Richest Man in Babylon, one of the bestselling books in personal finance, Pay Yourself First(PYF) is the first lesson.

Ayon sa libro:

“If you have not acquired more than a bare existence in the years since we were youths, it is because you either have failed to learn the laws that govern the building of wealth, or else you do not observe them.”

“A part of all you earn is yours to keep. It should be not less than a tenth no matter how little you earn. It can be as much more as you can afford. Pay yourself first.”



Ayon sa libro na isang bahagi ng kinikita mo ay dapat sa iyo mapunta upang ipunin at palaguin. Ang bahaging ito ay dapat na hindi bababa ng sampung porsyento o 10% ng iyong kinikita regardless kung gaano man kaliit  ang kita mo.

“Bigyan mo muna ang iyong sarili.”

Bakit nga ba kailangang unahin muna ang sarili mo o bigyan mo muna ang iyong sarili?

As usual, pag inunang bayaran ang lahat ng gastusin katulad renta ng bahay, groceries, water and electricity bills tapos yung mga extra- curricular activities like pasyal- pasyal at kain sa labas, malamang wala nang matira para sa savings.

Ang tawag na dito ay “Pay yourself last.”

Mahirap ma-build ang habit and having a mindset of Paying Yourself First. It’s a very challenging activity lalo na’t marami kang dapat isakripisyo. Andyan ang hindi madalas na pagkain sa labas o panonood ng sine o pamamasyal o kaya naman night out kasama ang barkada.

Kung desidido ka talaga, kailangan talagang magsakripisyo. Pero may mga paraan naman upang magawa ito. Subukan mong gawin ang autopilot o automatic na transfer ng pera mo, from salary papunta sa savings mo.

Kung hindi ako nagkakamali, lahat na ng bangko sa Pilipinas ay nag-ooffer ng mga automatic savings plan o automatic transfer. You can ask your bank regarding this.

It may take a long time to develop a habit of paying yourself first.  Basta simulan mo lang and focus on your goals and later on, you will realize na normal na lang ang ginagawa mong ito.

The 10% that you are putting into this PYF account is the money that will work for you when you retire. If you can afford to put more than 10%, the better.

Kaya laging tandaan, pay yourself first.

“Bigyan mo muna ang iyong sarili.”

“Unahin muna ang iyong sarili”

Side Note:

When using Google Translate, this is what I found out:

Translate 2

Magkaiba pala ang translation pag binago mo ang Font Effects. Nung ginawa kong capital letter yung first letter of the words, iba ang translation kumpara dun sa lahat ay small letters lang. See Translation snapshot.

Mas lumayo pa ang meaning kapag All Caps lahat. See below:

Translation 3

For more tips on saving money, money management, investments and business, please subscribe to my blog.

Click here to subscribe and download my EBOOK for FREE.

In this FREE GUIDE, you will discover …


  • The important things you need to prepare before buying a house or property. 

  • How much house you can afford based on your income.

  • How much money you need to save for down payment.

  • The requirements you need to submit.


 

Nante Aranda
 

Nante Aranda is an Associate Financial Planner (AFP), an OFW, an IT Engineer, a husband, and father. He is founder of www.bawatpiso.com, a personal finance blog. He created this blog to post and share his ideas, thoughts and experiences that will help and inspire others.

Click Here to Leave a Comment Below 0 comments

Leave a Reply: