10 Dahilan Kung Bakit Walang Ipon ang Maraming Pilipino
1. One- Day Millionaire Mentality
Mayroong kasabihan tayong mga Pilipino na “Ubus- ubos biyaya, pagkatapos, nakatunganga.” Kasusuweldo pa lang ubos na agad. Parang bula, sa isang iglap, naglaho na agad. Ang problema kasi ng marami, yung isang buwang pinagtrabahuhan ay isang araw o ilang araw lang ang itinagal. Ginastos lahat eh. Hindi binudget nang mabuti. Ang siste, nangutang na at yung kasunod na sweldo ay pambayad na lang sa utang. Kung magpapatuloy ang ganitong mentality, tiyak at 100% sure na di ka makakaipon at hindi ka makakaangat sa buhay.
2. Masyadong Maluho
May mga Pilipino na mas inuuna ang porma o yabang bago mag-ipon. Sa tuwing makakatanggap ng sweldo, inuuna ang pagbili ng mamahaling sapatos, damit o alahas magmukha lang mayaman. Yung iba naka-luxury car pa. Maporma at astig ang dating. Well, hindi ko naman sinasabing wag kang bumili ng mga mamahalin. But as long as nauna mong itabi ang savings mo bago ka gumastos, okay yan. Hindi naman masama ang bumili basta unahin mo i-secure ang future mo at ng family mo.
3. Masyadong Mabait
Sa tuwing may uutang sa iyo, hindi ka makatanggi lalung lalo na kung ang dahilan ng pag-utang ay pangbayad ng tuition o kaya naman ay pambayad sa hospital o pambili ng gamot at iba pang emergency needs ng kaibigan, pamilya o kamag-anak. Para kang walking ATM. Sa pangangailangan, ikaw lagi ang takbuhan at unang naiisip na lapitan. Pero kung magpapatuloy ang ganitong sistema, hinding hindi ka makakaipon kasi lahat ng naiipon ay napupunta sa kanila. Kasi nakakaramdam ka ng guilt o nagiging guilty ka kung hindi mo sila napahiram at may nangyaring masama. Pero kailangang matuto kang magsabi ng “NO” o “HINDI”. Mabuti sana kung yung mga nangungutang sa iyo ay marunong magbayad. Ang problema ay may mga taong hindi marunong magbayad. “UTANG, KALIMUTAN, ika nga. Kalimitan nga, pag kamag-anak ang nangutang, iniisip nila bigay mo na sa kanila yun. Walang kabalak- balak magbayad. Ni singkong duling ay hindi ka mabayaran. Mag-abiso man lang na anta- antabayan lang yung bayad ay hindi magawa. Ni Hi o Hello ay wala kang marinig. Ikaw ay nagtitipid at nag-iipon tapos yung taong pinautang mo, nakita mong nagpost sa Facebook, namasyal tapos kumain sa mamahaling restaurant. Hindi ba masakit sa loob mo yun? Pag siningil mo at minessage mo, SEEN MODE na lang. Nagiging ugat pa ito ng tampuhan, galit at nagiging dahilan upang masira ang relasyon nyo.
At sa huli, ikaw ang naging kawawa kasi nawalan ka na ng pera, nawalan ka pa ng kaibigan o kaanak. Isipin mong may buhay ka rin na dapat mong pagtuunan ng pansin at paglaanan ng panahon. Kaya isiping mabuti bago magpahiram ng pera. Ang advice ko ay magpautang lang ng perang kaya mong mapakawalan. Yung perang hindi masakit sa loob mo kahit hindi mabayaran o walang malaking impact sa cashflow mo.
The best advice is learn how to say “NO”.
4. Kuntento na lang sa kung ano ang meron
Marami ring Pilipino ang ganito. Ayaw na nilang maggrow. Kuntento na lang sa kung ano ang meron. Sila yung mga taong nagsasabi, bakit ba ako mag-iipon at magpapayaman eh hindi ko naman madadala sa langit ang pera ko. Basta kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw, okay na kami at masaya na kami.
Ang problema kapag nagkasakit o nagkaroon ng emergency at namatay sya, wala talaga syang nadala sa langit. Katunayan, marami syang naiwan. UTANG. HINAGPIS. BAYARIN. Ito ang mga naiwan nya sa mga mahal nya sa buhay. Isa rin sa mga dahilan kung bakit umiiyak ang mga naulila kasi mamumroblema sila sa pagbabayad ng mga ginastos.
5. Kulang o hindi sapat ang suweldo
Isa ito sa katotohanan na maraming Pilipino ang kulang talaga o hindi sapat ang suweldo. Paano pa nga naman makakapag-ipon kung ganito ang sitwasyon? Ang magandang gawin ay humanap ng paraan upang mapalaki ang kinikita. Maaaring magkaroon ng sidelines, business o trabahong may mas malaking sahod. Kailangang mag-invest muna sa sarili. Umattend ng mga libreng trainings o seminars upang madagdagan ang kaalaman at skills na magagamit sa paglipat ng trabaho o pagtatayo ng sariling negosyo.
6. Walang pangarap o financial goals sa buhay
Unang- una, kung wala kang pangarap o goals sa buhay, hindi ka magtatrabaho o mag-iisip ng paraan para kumita ng pera katulad ng business at di ka gagawa ng paraan para umangat ang buhay mo. Kabilang sa mga ganito yung mga tambay na umaasa na lang sa mga kasama o kapamilya para mabuhay. Ang katwiran nila, andyan naman ang magulang, si kuya o si ate at kakain naman sila kahit hindi sila magtrabaho. Ang mas nakakalungkot dito na pati ba naman pansarili nilang pangangailangan ay iniaasa pa rin nila sa ibang tao katulad ng pagkain, sabon, shampoo, isinama pa ang pang-inom at sigarilyo.
7. Mamaya na o Saka na Habit
Marami ring ganito ang ugali. Sinasabi nilang SAKA NA ako mag-iipon pag malaki na ang kinikita ko. O kaya naman ay pag nakapag-abroad na ako o kapag kaya pag tumama ako sa lotto o kapag nakapag-asawa ng mayaman. You keep on delaying things. Dahil sa daming excuses kaya di masimulan ang pag-iipon..
Kung gusto mo talagang mag-ipon, unang una, dapat ay i-develop ang habit ng pag-iipon. Simulan sa maliit na halaga o porsyento. Once na mabuild mo yung habit sa maliit na halaga, mai-aapply mo ito sa malaking halaga. Mas mahalaga ang habit kaysa sa halaga.
8. Ningas Kugon
Marami namang magaling lang magsimula pero pagkatapos ng ilang araw o linggo, hindi na itinuloy. Puro intro, ika nga.Hinding hindi ka makakaipon kung puro simula ka lang. Yung habit na kailangan mo ay hindi ma-build kasi napapatigil yung momentum mo.
Mas masarap kasing manood ng TV o mag-Facebook na lang kaysa magbudget at maglista ng mga pinamili at gumawa ng mga financial statements.
9. Hindi alam kung paano mag-ipon
Dahil sa hindi kasama dati ang financial literacy program na mga itinuturo sa mga eskwelahan, hindi natutunan ng mga bata sa murang edad pa lang ang pag-iipon at mga usapin tungkol sa pinansyal. Ang resulta, marami ang hindi marunong humawak ng pera at hindi marunong mag-ipon. Magaling lang gumastos kasi yun ang mas madaling gawin. Ang topic tungkol sa pag-iipon at usapang pinansyal ay dapat unang natututunan sa loob ng pamilya. Dapat turuan ng magulang ang mga anak kung paano humawak ng pera.
The bad news is that paano tuturuan ng magulang ang mga anak kung mismong magulang ay hindi marunong magmanage ng pera nila.
And the good news is may mga paraan upang makapag-ipon. Kasama na ngayon ang FINANCIAL LITERACY PROGRAM sa programa ng Department of Education upang maturuan ang mga teachers, non- teaching personnel at mga mag-aaral.
Marami nang mga financial literacy groups at speakers na nagtuturo at mga blogs na pwedeng maging guide upang matutunan ang tamang pagma-manage ng pera.
10. Feeling ng iba, entitled sila palagi sa Success ng Kapamilya
Isa itong reason na kadalasang nararanasan ng mga OFWs. Feeling kasi ng mga naiwan sa Pinas na entitled sila sa kung ano man ang tinatamasa o sinasahod ng nasa abroad.
Both parties ang hindi makakaipon dito. Yung una ay yung receiver na naghihintay na lang ng padala ng nasa abroad. May mga kapamilya na nasa Pinas na nakasahod na lang at umaasa na lang sa padala. Mayroong ayaw nang magtrabaho kahit malakas pa kasi iniisip nilang may monthly remittance silang matatanggap.
Yung pangalawa ay ang sender o OFW na laging nagpapadala ng pera. Kalimitan nga, wala nang natitira sa salary, may maipadala lang.
Worst, pag nawalan ng trabaho si OFW, nganga silang lahat. Hindi natutong magbanat ng buto ang mga tumatanggap lang. Si OFW naman walang naipon.