Ano ba ang magandang business?
Isa sa ito sa pinaka-karaniwan at kalimitang tanong ng mga attendees sa speaker sa tuwing umaattend ako ng mga seminars, trainings o webinars about business o investments dito sa abroad.
Ito ba ay Real Estate?
Food cart?
Sari- sari store?
Online business?
Franchising?
Pagtitinda ng isda o gulay sa palengke?
Hardware?
Multi- level marketing o Network Marketing?
Affiliate marketing?
Exporting?
Restaurant?
Bakery? And so on…
You name it. Lahat na yata ng klaseng business nababanggit ng mga attendees.
May isang nagtanong.
“Sir, gusto ko pong magtayo ng restaurant sa Pilipinas pag-uwi ko, sa tingin nyo ba eh okay ito at kikita ako dito ngayong boom ang ekonomiya ng Pilipinas?”
“Tapos mahihilig ding kumain ang mga Pinoy. Kabi- kabila ang mga restaurants. Kahit tabi- tabi na, marami pa ring kumakain. Magclick kaya ito?
“Anong maipapayo nyo?”
Sumagot si speaker.
Ilang taon ka na?
“40 na po.”
Anong trabaho dito sa abroad?
“Accountant po.”
Kailan mo gustong magfor-good sa Pinas?
“Kapag 50 years old na po ako. So 10 years from now. Mag-iipon muna ako ng puhunan sa sampung taong ipagtatrabaho ko pa as an OFW.”
Mahilig ka ba o marunong ka bang magluto?
“Medyo lang sir. Kaya kong magluto ng mga simpleng lutong bahay.”
Okay.
Nakapagtrabaho ka ba sa mga food chains o restaurants dati?
“Buong working life ko, dito ako sa construction company nagtrabaho at wala pa akong experience sa restaurant business.”
Ano ba ang alam mo? Ano ba ang gustung- gusto mong ginagawa palagi o yung mga kinahihiligan mong gawin?
“Magcompute po kaya Accountancy po ang napili kong course.”
Okay.
Ito ang masasabi ko.
Unang una, kung ikaw ang magmamanage ng restaurant mo, at gusto mong ikaw ang in- charge sa entire operation kasi gusto mong ikaw ang may kontrol at magdi-desisyon sa lahat ng bagay at gusto mo ring makatipid sa pampasuweldo, wag mo nang ituloy at sigurado akong magpi-fail yan.
Yan ay sa kadahilangang wala kang training. Hindi mo pinagdaanan ang pagiging OJT sa restaurant business. Kung nasa linya ka ng restaurant business sa ngayon o nagtatrabaho ka sa pag-ooperate ng restaurant, may big chance na magsucceed ka kasi alam na alam mo pagpapatakbo nito.
Ika nga, alam na alam mo na ang pasikot- sikot sa ganitong business.
Pangalawa, kung magpapapartner o magha-hire ka ng magaling na Operations Manager na syang magpapatakbo ng negosyo mo at ang magiging role mo sa company ay sa financials, malaki ang possibility na magsucceed ka rin sa business na yun.
Magaling at sanay sa business operations ang partner mo or manager mo tapos bihasa ka pa sa financials, meaning pareho kayong experts sa roles nyo, malamang magclick ang business.
Yun nga lang, sa ganitong setup, kailangan mong i-sacrifice ang kagustuhan mong ikaw ang may kontrol ng lahat. Pati na rin ang kagustuhan mong makatipid sa pampasweldo kasi malaki ang sweldo ng operations manager na na-hire mo or may kahati ka rin sa kita kasi may magaling na partner ka.
Pangatlo at napakaimportante, dapat may PASSION ka sa gagawin o sa pinaplano mong business. Dapat gustung- gusto mo ito. Yung tipong kahit pagod na pagod ka na, tuloy ka pa rin. Parang di mo nararamdaman ang pagod. Nag-ienjoy ka pa rin sa pagtatrabaho anuman ang mangyari.
Kung may passion ka, harangan ka man ng sibat, tuloy pa rin, you will never give up.
The problem with most Filipinos, nung makitang kumikita ang kakilala o kapitbahay sa isang business, gagayahin na.
Uy patok ang siomai business ni Mang Juan. Malaki ang kinikita nya. Nakapagpatayo na ng malaking bahay. Nakabili ng magarang sasakyan. At nakabili ng van na pangdeliver ng siomai at iba’t ibang produkto sa iba’t ibang lugar.
“Gagayahin ko rin si Mang Juan at kakalabanin ko. Mas lalakihan ko ang aking tindahan at mas gagandahan ang setup.” Yan ang sabi ng mga kapitbahay.
Hanggang sa ang buong kanto, nagtitinda na ng siomai. Magkakatabi na ang lahat ng mga tindahan hanggang sa lahat sila ay malugi kasi nahati ang mga kustomer na bibili ng kanilang paninda.
Ang problema kasi sa maraming Pinoy, mahilig manggaya. Hindi mag-isip ng kakaiba. Nanggaya na nga, hindi pa inimprove.
Kung gusto mong magbusiness, dapat:
- May training ka
- Alam mo ang ginagawa mo
- May PASSION ka
- Marunong kang mag-innovate
- Marunong kang magmanage ng tao, ma-partner man sya sa negosyo, suppliers o mga tauhan mo
- Malakas ang loob mo
- Hindi lang profit ang tinitingnan o goals mo, dapat may purpose din sa planet and people. Nakatulong ka na, nagkapera ka pa.
Kung meron ka nitong mga ito, magiging malaki ang chance mong magtagumpay sa negosyo.
Ang magandang business ay nakasalalay sa iyong SARILI. The first and best thing you need to do is to INVEST in YOURSELF FIRST.
Ikaw, ano sa tingin mo? Anong passion mo? Anong business ang naiisip mong sa tingin mo’y magtatagumpay ka at may potential na lumaki ito?
For more tips on saving money, money management, investments and business, please subscribe to my blog.