The Best Two-Word Advice I Got from a British Millionaire

In the summer of 2008, nagsimula ako bilang OFW. Medyo nakakapanibago. Syempre first time. Culture shock. Iba’t ibang kultura. Iba’t ibang lahi. At iba’t ibang ugali.

Hindi ito katulad sa Pilipinas. Halos lahat o karamihan ng katrabaho mo ay mga Pinoy. Madaling magkaintindihan. Sa trabaho, madaling makabagayan. Sa madaling salita, isang kindat lang, alam  na ng katrabaho mo ang susunod na gagawin.

Dito sa abroad, kailangan mong manimbang sa umpisa. Habang tumatagal masasanay rin. Sa ating buhay, ganyan naman talaga, mahirap sa una, habang tumatagal, dumadali na.

Anyway, natanggap ako bilang Network Engineer sa isang IT company. Dahil dito, marami akong nakakausap at nakakakwentuhang iba’t ibang lahi. Since nasa IT service industry kami, ang ilan sa mga clients, karamihan on-call ang service.

One time, may tumawag sa company namin asking for support. Ipinadala ako ng company namin para i-resolve ang problema nung kliyente.

Pumunta ako and I entered his office. He said “Hi!”

I replied “Hello! Good morning! At nakipagkamay ako sa kanya and introduced myself. Nagpakilala rin sya.

Let’s call him Mr. J.

Nung una syang magsalita, napaisip at kinabahan ako. Mukhang mapapalaban yata ako ng English-an dito ah.  Kakaunti pa naman ng baon kong English. Hehe.




Grabe pa naman ang English accent nya. Ang bilis niyang magsalita at hirap intindihin. Syempre British. Kakaiba ang accent nila kumpara sa mga American. Mas madaling intindihin ang American accent kaysa British accent.

Kung gusto mong malaman ang pagkakaiba ng accent ng British at American English, ganito ang gawin mo.

Mag-open ka Youtube at hanapin mo ang British Got Talent at America’s Got Talent and then compare.

At first, tinanong ko kung anong problema nya sa system nya. Hindi raw sya maka-receive ng email.

So habang inaayos ko ang problema sa system nya, tinanong nya ako.

Where are you from?

“I’m from Philippines.”

Ah you are a Filipino…

“Definitely…”

Heto na, nagsisimula na akong maghukay ng malalalim na English nito.

Yes! Pagmamalaki kong sinabi.

You know what,  I love Filipinos. And do you want to know why?

And I said “ Yes, for sure!”

You are one of the people in the world who are really excellent.  

Magaling sa trabaho. Dedicated. Resourceful. Maabilidad. Masipag.

Close family ties. Matatag sa hamon ng buhay. Masayahin. Friendly.

Always smiling. Yung tipong akala mo’y walang problema.

Sinabi nya lahat ng magagandang papuri ah.



But there’s one thing I see about most Filipinos here in UAE…. which I think is not good.

Sabay meron palang hindi magandang comment. Akala ko magaganda

lang eh.

But I interrupted him because I need him to enter his system credentials.

Ako naman ang nagtanong. Itinanong ko kung tagasaan siya at anong business ang meron siya.

Sinabi nya, taga- London sya tapos may real estate at consulting business sya.

Nabanggit din nyang may mga properties sya sa Italy at sa UK.

Sinabi pa nyang mas gusto nyang mag-settle sa Italy kaysa UK.

Let’s go back dun pala sa sinabi niyang kung anong hindi maganda na

nakikita niya sa mga Filipino na nasa abroad.

Ang sinabi nya ay ganito:

“I can see that most OFWs are going to the mall to buy signature items. Most of them also have latest gadgets and eating in expensive restaurants and travelling using loans from the bank.”

Mr. J

I asked him, “How did you know about all these things?”

Napa-English tuloy ako ng mahaba ng konti. Hehe.

He said I knew it because:

“First, as a businessman, I’m very observant. When I go to the mall, I can see your Kabayans are buying expensive items for them to look good.”

“Second, I saw this from my previous employees who are Filipinos.”

Di na ako nahiya at di na rin nagdalawang isip na sabihin kay Mr. J  nang pabiro.

I believe you are already a millionaire.

And he said “I’m already a dollar millionaire but my goal is to be pound multi-millionaire.”

Tapos tinanong ko sya..

What is your advice to become a millionaire?

At nagulat ako sa sagot nya. Two words lang.

At ito ang sagot nya.

“Be Frugal.”

Maging masinop. Maging matipid.

From his way of living, kung paano siya manamit, nakikita ko na

talagang masinop sya. Simple lang at di mo akakalain na mayaman siya talaga.

Well, totoo naman talaga ang sinabi ni Mr. J upang maging milyonaryo.

Huwag maging one-day millionaire. Be Frugal.

This is a true story. Our conversation happened in year 2009. Wala na akong balita sa kanya ngayon.  But the conversation is still fresh to me until this time.

Hinding hindi ko ito makakalimutan at nagpapasalamat  ako na na-meet ko sya. Isa ito sa mga lessons na isinasabuhay ko na katulad din ng pangaral ng aking ina.



“Maging masinop. Maging matipid.”

“Be Frugal.”

Mr. J

Ikaw , anong malupit na advice ang natutunan mo sa mga taong nakasalamuha mo? Sa magulang, kapatid, katrabaho, kaibigan, mentors at iba pang tao na nagbigay ng impact sa buhay mo?

For more tips on saving money, money management, investments and business, please subscribe to my blog.

Click here to subscribe and download my EBOOK for FREE.

Related Posts
No related posts for this content

In this FREE GUIDE, you will discover …


  • The important things you need to prepare before buying a house or property. 

  • How much house you can afford based on your income.

  • How much money you need to save for down payment.

  • The requirements you need to submit.


 

Nante Aranda
 

Nante Aranda is an Associate Financial Planner (AFP), an OFW, an IT Engineer, a husband, and father. He is founder of www.bawatpiso.com, a personal finance blog. He created this blog to post and share his ideas, thoughts and experiences that will help and inspire others.

Click Here to Leave a Comment Below 0 comments

Leave a Reply: